SHARE

Isang Japanese national na kadarating lang umano sa bansa ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga salaring nakamotorsiklo ang sinasakyan nitong van sa Roxas Boulevard, Manila nitong Huwebes ng gabi. Current top breaking Philippine headlines regarding the nation, world, metro manila, regions and exclusive special investigative reports.
Isang Japanese national na kadarating lang umano sa bansa ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga salaring nakamotorsiklo ang sinasakyan nitong van sa Roxas Boulevard, Manila nitong Huwebes ng gabi. Sa ulat ni Jamie Santos sa GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabing dakong 9: 00 p.m. nang pagbabarilin ang van sa southbound lane ng Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Pedro Gil. Kuwento ng driver ng van, galing sila sa restaurant at pabalik na sa hotel sa Pasay nang sabayan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at saka pinaputukan. Sakay umano ng van ang apat na Japanese at dalawang Filipino. Una raw pinaputukan ng mga salarin sa driver side ng van at saka umikot sa passenger side at muling nagpaputok. Nasawi ang isang Japanese na kadarating lang umano sa bansa nitong Huwebes ng hapon. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Similarity rank: 1.5

© Source: http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/607799/1-patay-matapos-pagbabarilin-ng-riding-in-tandem-ang-isang-van-sa-maynila/story
All rights are reserved and belongs to a source media.