Home GRASP GRASP/China Pasig River, pang-walo raw sa pinagmumulan ng basurang plastic sa karagatan

Pasig River, pang-walo raw sa pinagmumulan ng basurang plastic sa karagatan

321
0
SHARE

Lumitaw sa isang pag-aaral na pang-walo ang Pasig River sa pinanggagalingan ng mga basurang plastic sa karagatan sa buong mundo. Nangunguna naman sa listahan ang Yangtze River ng China. Current top breaking Philippine headlines regarding the nation, world, metro manila, regions and exclusive special investigative reports.
Lumitaw sa isang pag-aaral na pang-walo ang Pasig River sa pinanggagalingan ng mga basurang plastic sa karagatan sa buong mundo. Nangunguna naman sa listahan ang Yangtze River ng China. Batay sa pag-aaral na ginawa ng mga dalubhasa sa Netherlands at US, umaabot sa 63,700 toneladang plastic ang itinatapon sa Pasig River kada taon, o katumbas ng bigat ng 10,600 na elepante. Ngunit kung pagbabasihan ang laki ng catchment surface area, ang Pasig River ang pumapangalawa sa nagtatapon ng malaking bahagi ng plastic sa mga karagatan, na tinatayang 15.65 toneladang plastic kada taon kada square kilometer. Maging ang pinakamababang produksyon ng basurang plastic sa Pasig river na tinatayang aabot sa 32,100 tonelada kada taon ay itinuturing sa pag-aaral na nakababahala. Ang naturang pag-aaral na inilathala ng Nature Communications, ay ang pinakaunang pangkalahatang pagtaya sa dami ng basurang plastic sa karagatan sa mundo na nagmumula sa mga river system.

Continue reading...